Aabot sa 24 na bahay ang napinsala sa San Isidro at Governor Generoso sa Davao Oriental dahil sa malakas na alon at hangin dahil sa bagyong Maring.
Ayon sa ng pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental, nasa 769 mga pamilya inilikas ngunit bumalik din ang mga ito sa kanilang mga tahanan.
Maliban dito, isang malaking fishing vessel rin ang sumasad sa dalampasigan sa barangay Tibanban sa Governor Generoso.
Base sa imbestigasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi naman nasira ang Barkong FB Leeward.
Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard kaugnay sa pagkaroon ng oil spill, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon hinggil dito. —sa panulat ni Hya Ludivico