Nakarekober na ang ilang kabataan na naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) na dinapuan ng COVID-19.
Ayon kay PGH Spokesperson, Dr. Jonas Del Rosario, walaong bata na may COVID-19 ang gumagamit sa kanilang 12-bed pedia ward habang apat na pasyente pa ang naghihintay ng admission.
Ang naturang mga batang naka admits sa ospital ay nasa edad 15 taong gulang pababa.
Dagdag ni Del Rosario, kahit na dinapuan ng severe o kritikal ang mga bata ay agad naman itong nakakarekober sa sakit.
Bukod dito, karamihan sa mga bata na infected ng virus ay mild at asymptomatic.
Ipinabatid naman ni Dr. Anna Ong-Lim, member ng DOH Technical Advisory Group, na ang mga batang nag positibo sa virus ay mayroong comorbidities gaya ng sakit sa puso.
Samantala, pinayagan naman ng ospital na magbantay ang isa sa mga magulang ng mga batang nasa ICU na manatili.