Hindi parin nadaraanan ang ilang mga kalsada at tulay sa Luzon partikular na sa Nueva Ecija na pinaka tinamaan ng typhoon Karding.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa walong kalsada at sampung tulay ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa epekto ng pananalasa ng nagdaang bagyo.
Ayon sa NDRRMC, apat na kalsada mula sa Region 3 ang nasira; dalawa kalsada at sampung tulay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang nawasak; at tig-1 naman sa Region 2 at Calabarzon.
Hindi pa rin passable ang Kennon Road, Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Nueva Ecija-Aurora Road, Baliwag-Candaba Road, at Hamtic Bia-An-Egaña-Sibalom road sa Antique.
Samantala, passable naman ang walong daan mula sa Region 2; lima sa CAR; tatlo sa Region 5; isa sa Calabarzon; at limang tulay mula sa Region 2.
Dahil dito, umabot na sa P135 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.