Kumambyo agad ang Edsa People Power Commission makaraang umalma ang iba’t ibang grupo sa planong pagpapasara sa ilang bahagi ng EDSA para sa ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution, sa Pebrero 25.
Sa abiso ng komisyon, isasara lamang ang northbound ng Edsa mula Ortigas hanggang Santolan simula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang ala-1:00 ng hapon sa nabanggit na petsa na deklarado namang special non-working day.
Mananatili namang bukas sa mga motorista ang East at West bound ng Ortigas Avenue.
Nauna nang binalak ng People Power Commission na gamitin ang bahagi ng White Plains Avenue upang magtayo ng Edsa People Power Museum subalit inalmahan ng mga netizen at motorista dahil sa posibleng magdulot ito ng matinding traffic.
Sa halip ay ilalagay na lamang ang nabanggit na museo sa loob ng Camp Aguinaldo.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)