Magsasagawa ng road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.
Epektibo ang pagsasara alas-11 kagabi na magtatagal hanggang alas-5ng umaga ng Lunes.
Ang mga kalsadang isasara ay ang mga sumusunod;
- EDSA Northbound sa Quezon City sa bahagi ng Santolan MRT Station, paglagpas ng P. Tuazon flyover patungong Aurora Tunnel. Paglagpas ng Aurora Blvd. patungong New York (3rd lane mula sa Center Island at paglagpas ng Kamuning/Kamias Road patungong Jac Liner Bus Station) katabi ng Center Island
- C-5 road Southbound (2nd lane) sa Makati City
- Quirino Highway Brgy. Balon bato bago mag Manila North Diversion Road Flyover (2nd inner lane)
- North at Southbound ng Balintawak Cloverleaf mula at bago magtungo sa North Luzon Expressway
- At EDSA-Quezon City Southbound (mula balingasa creek paungong oliveros footbridge).
Pinaalalahanan naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang bibiyahe na dumaan muna sa alternatibong ruta.