Sarado sa daloy ng trapiko ang ilang kalsada sa Maynila at Pasay para sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, ngayong araw.
Ayon sa MMDA o Metro Manila Development Authority kabilang sa mga sarado ang southbound ng Roxas Boulevard mula P. Burgos hanggang Buendia simula alas-2:00 mamayang hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.
Isasara rin sa mga motorista ang CCP Complex at tanging mga delegado lamang ng ASEAN ang papayagang makapasok.
Kasabay nito, magpapatupad din ng total truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta tulad ng Finance Road at Taft Avenue.
Sinimulan na ring i-deploy ng NCRPO ang nasa 3,000 pulis para tiyakin ang seguridad sa paligid ng pagdarausan ng selebrasyon.
Wala namang klase sa lahat ng lebel at trabaho sa De La Salle University Manila; Manila Tytana Colleges at Colegio de San Juan de Letran.
By Drew Nacino