Sisimulan na sa Biyernes, Abril 7 ang konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa bahagi ng Regalado Highway.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang mabigat na trapiko sa lugar at maghanap na ng alternatibong ruta.
Ang mga manggagaling ng Commonwealth Avenue, kailangang kumanan sa Mindanao Avenue, kaliwa sa Regalado Highway at kanan sa Quirino Highway.
Inaabisuhan din ang mga motoristang manggagaling ng Quezon City Medical Center na isasara ang dalawang lane mula Bristol Street.
Mula naman sa Quirino Highway, kailangang kumaliwa sa Belfast Avenue, kanan sa Mindanao Avenue at kaliwa patungong Commonwealth Avenue.
Samantala, mula Regalado Highway, ang mga motorista ay maaaring gumamit ng u-turn slot sa Bristol Street, kaliwa sa Quirino Highway, kaliwa sa Belfast Avenue patungong Mindanao Avenue at kaliwa pa-Commonwealth Avenue.
By Meann Tanbio