Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa binisidad ng tatlong unibersidad sa Maynila para sa bar examinations sa Pebrero 4 at 6.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad ang traffic rerouting schemes sa University of Santo Tomas (UST), Far Eastern University (FEU), at De La Salle University (DLSU).
Sarado ang westbound lane ng España Boulevard mula Lacson Avenue patungong P. Noval Street.
Hindi rin madaraanan ang westbound lane ng N. Reyes street mula España Boulevard patungong C.M. Recto Avenue.
Gayundin ang southbound lane ng Taft avenue mula Quirino Avenue patungong Estrada street na malapit sa DLSU.