Nagsisikap ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para mabuksan ang mga kalsada matapos masalanta ng bagyong Agaton ang ilang bahagi ng Baybay City sa Leyte.
Sa ngayon, pinapayagan lamang ang mga maliliit na sasakyan sa Daang Maharlika Highway, habang pinadadaan naman sa mga alternatibong ruta sa Leyte ang mga malalaking sasakyan.
Una na rito ay umabot na sa mahigit isandaan ang bilang ng mga nasawing biktima sa pagguho ng lupa sa Baybay City, habang nasa mahigit 50 naman ang patuloy pang hinahanap ng mga rescue worker sa lugar.