Dahil sa halos isang oras na pag-ulan, lumubog sa baha ang mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Butuan.
Tumirik ang ilang mga sasakyan sa gitna ng kalsada makaraang umabot sa higit isang talampakan ang taas ng baha.
Sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, isang low-pressure area ang namataan sa bahagi ng silangan-timog silangan ng bayan ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Mindanao dahil sa naturang LPA.