Ilang kalsada sa Caloocan City ang isinara simula kaninang alas 12 ng hatinggabi bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Bonifacio Day sa November 30.
Batay sa abiso ng Caloocan City LGU, sarado ang EDSA mula Bonifacio Monument Circle (BMC) hanggang Serrano; at mula Gen. Simon hanggang BMC.
Maging ang Samson Road mula BMC hanggang Villarosa St.; at mula New Abbey Road hanggang BMC.
Gayundin ang parehong lane ng Rizal Avenue mula BMC hanggang 10th Avenue, at parehong lane ng Mcarthur Hi-way mula BMC hanggang Calle Cuatro.
Naglatag naman ang lokal na pamahalaan ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista, kung saan ang mga patungong EDSA ay maaaring dumaan sa B. Serrano o Biglang Awa.
Kung galing naman sa EDSA patungong Valenzuela, Malabon at Navotas Cities, gamitin ang Gen. Simon at kumaliwa sa Calle Cuatro.
At kung magmumula naman sa Valenzuela patungong Caloocan, gamitin ang Pascual Ave., kumaliwa sa Araneta Avenue at kumanan sa Caimito Road.