Maaari nang madaanan ang tatlong kalsada sa mga rehiyon ng MIMAROPA at Eastern Visayas na binaha bunsod ng pananalasa ng bagyong Urduja.
Ito ang ini-ulat ng DPWH o Department of Public Works and Highways batay sa impormasyong nakuha nila mula sa BOM o Bureau of Maintenance kahapon.
Ilan sa mga binuksang kalsada ang Dr. Damian Reyes Memorial Road sa Boac, Marinduque; Naval-Almeria road sa Biliran; Mainit-San Miguel-Santol road at ang Santol-Carayray-Taghawili bridge sa Leyte.
Gayunman, nananatili pa ring sarado ayon sa DPWH ang naval-Caibiran Cross Country Road; Naval – Calumpang at Biliran – Naval Circumferential road bunsod ng nasirang Catmon Bridge at Caray-Caray Bridge.
Sarado pa rin ang Bagahupi-Babatngon-Sta.Cruz-Cariaga road; Jaro-Dagami-Burauen-Lapaz; Libungao- Matag-Ob-Palompon road at Kanaga-Tungonan Hot Spring road na pawang nasa lalawigan ng Leyte.