Sarado na sa trapiko ang ilang kalsada sa Luzon dahil sa landslide at flashflood dulot ng Bagyong Lando.
Sa Cordillera Administrative Region
- Sarado dahil sa landslide ang Claveria-Calanasan road sa Apayao
- Benguet-Nueva Vizcaya Road (Yapas section) sa Benguet – sarado dahil sa landslide at nagbagsakang puno
- Ang Kennon road naman sa Baguio city – ay isinara dahil sa posibleng landslide
Sa Cagayan valley
- Cordon-Aurora boundary road sa Quirino – sarado dahil sa landslide
- Habang hindi na rin madaanan ang mga tulay ng Tawi, Cabasan at Abusag dahil sa pag-apaw ng ilog doon
Sa Central Luzon
- Sarado dahil sa pagragasa ng tubig at puti ang Baler-Casiguran road; Nueva Ecija-Aurora road; Dinadiawan-Madella road at Tablang Gabaldon road lahat iyan sa probinsya ng Aurora
Sa Bicol
Sarado dahil sa baha ang Catanduanes Circumferential road.
By: Jonathan Andal