Inanunsyo ng lunsod ng Maynila na pansamantala nilang isasara ang ilang lansangan upang bigyang daan ang 2022 bar examinations.
Pahayag ng Manila LGU, ipatutupad ang road closure sa mga araw ng November 9, 13, 16, at 20.
Kasunod ito ng isasagawang pagsusulit sa San Beda University at De La Salle University.
Kabilang sa mga isasarang kalsada na malapit sa san beda university, ang mendiola street, ang 1st, 2nd, 3rd, at 4th Street, at ang Concepcion Aguila Street.
Hindi rin padadaan sa mga motorista ang ilang lansangan na malapit sa De La Salle University na kinabibilangan ng Taft Avenue Northbound, Taft Avenue Southbound.
Sisimulan naman ang pagsasara ng mga kalsadang ito ganap na alas-12 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi.
Dahil dito, asahan na, ayon sa Manila LGU, ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga itinakdang araw ng eksaminasyon.