Pansamantalang isasara sa publiko ang ilang kalsada sa Maynila sa pagtatapos ng bar examination sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Maynila sa Linggo.
Base sa advisory ng Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District o MPD, kabilang sa mga kalsadang isasara ay ang ilang bahagi ng Dapitan Street, Lacson Avenue, at España Boulevard.
Matatandang dumagsa sa UST ang mahigit 7,000 katao sa unang araw ng bar examinations na pinakamalaking bilang ng bar examiners sa loob ng apat na taon.
Sinasabing paiiralin pa rin ang “liquor ban” na ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pagpapatuloy ng bar exams.
By Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)