Kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Maynila mula Enero a-8 hanggang Enero a-9 sa susunod na taon.
Kabilang sa mga isasara ay ang:
• kahabaan ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza/ Fugoso hanggang Carlos Palanca Street
• kahabaan ng Quezon Bridge
• Westbound ng España Boulevard mula P. Campa hanggang A. Mendoza
• kahabaan ng C.M. Recto mula Rizal Avenue hanggang N. Reyes
• kahabaan ng Evangelista Street mula Paterno Street hanggang Recto Avenue
• kahabaan ng C. Palanca Street mula Plaza Lacson hanggang Ayala Bridge
Ito ay para bigyang daan ang paglilibot ng Imahen ng Itim na Nazareno sa mga simbahan sa iba’t ibang panig ng Luzon. —sa panulat ni Angelica Doctolero