Sarado ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila habang magpapatupad din ng rerouting scheme ang mga awtoridad simula mamayang gabi bilang paghahanda sa kapistahan ng itim na Nazareno sa Sabado, Enero 9.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), isasara sa mga motorista simula alas-10, mamayang gabi ang mga sumusunod na kalsada:
- Southbound at Northbound lane ng Quezon Boulevard sa pagitan ng A-Mendoza / Fugoso Street hanggang Carlos Palanca Street
- Westbound lane ng Quezon Boulevard mula P. Campa hanggang a Mendoza Street
- Kahabaan ng Evangelista street mula P. Paterno hanggang Recto avenue
- Kahabaan ng Palanca street mula Carriedo/Plaza Lacson hanggang P. Casal street.
Sisimulan namang isara sa mga motorista ang kahabaan ng Ronquillo street mula Rizal avenue hanggang Plaza Sta. Cruz at kahabaan ng Bustos street mula Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Avenue, alas-12 ng hating gabi sa Sabado,Enero 9.
Samantala, simula mamayang gabi ipatutupad na rin ang mga sumusunod na rerouting scheme:
- Lahat ng mga nagpaplanong dumaan ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza Street, maaaring kumanan sa Fugoso street saka kumaliwa ng Rizal avenue.
- Maaari namang kumaliwa sa Nicanor Reyes street, kanan sa CM Recto Avenue, kanan muli ng P-Campa street saka kumaliwa ng A. Mendoza street at kumanan ng Fugoso street ang lahat ng mga manggagaling ng Quezon City at dadaan ng Southbound lane ng España Avenue.
- Lahat naman ng magmumula ng MCarthur bridge na dadaan sana sa Palanca Street ay maaaring dumiretso ng Rizal avenue.
- Maaari namang dumiretso sa P. Casal Street ang mga motoristang magmumula ng Ayala bridge at dadaan sana ng Palanca street.