Pansamantalang isasara ngayong araw ng Sabado, Hunyo 19 ang ilang mga kalsada sa lungsod ng Maynila dahil sa ika-160 birth anniversary ni Dr. Jose Rizal.
Ayon sa Manila Metropolitan Development Authority (MMDA), kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula katigbak hanggang sa tm kalaw simula alas ng umaga.
Paliwanag ng MMDA ang naturang road closure ay para bigyang daan ang isasagawang mga aktibidad kasabay ng selebrasyon.
Kasunod nito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Ang lahat ng mga light vehicles ay pwedeng dumaan sa Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos at kumanan sa Maria Orosa para makapunta sa kanilang mga destinasyon.
Habang ang mga trailer trucks o mga heavy trucks na manggagaling sa Delpan Bridge Pier Zone ay pwedeng kumaliwa sa P. Burgos at dumiretso sa finance road sa Ayala Avenue, at kumanan sa San Marcelino patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, sa kaparehong abiso ng mmda sinabi nito na ibabase ang mga pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada sa mangyayaring aktwal na sitwasyon o lagay ng trapiko.