Umarangkada na ngayong araw, November 9 ang ika-4 na araw na pagsusulit para sa 2022 Bar Examinations.
Higit 9,000 candidates ang kumuha ng pagsusulit na naganap sa mga Unibersidad sa kalakhang Maynila.
Dahil sa eksaminasyon, sarado ang ilang kalsada kabilang ang Southbound lane na parte ng Taft Avenue, mula kanto ng Quirino Avenue hanggang Estrada Street.
Isinara na ang nasabing kalye simula alas-2 ng madaling araw kanina at binuksan din kaninang alas-8 ng umaga, at muling isasara alas-4 mamayang hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Maliban sa nabanggit na kalsada, sarado rin sa kaparehong oras ang kahabaan ng Mendiola St. mula Recto Avenue at Aguila St., pati na ang kahabaan ng Concepcion Aguila St. kanto mula ng Mendiola St. hanggang 4th St.
November 13, gaganapin ang ikalawang araw ng eksaminasyon habang sa Nov.16 at 20 ang ikatatlo at apat.