Binaha ang ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila bunsod ng malakas na buhos ng ulan na naranasan kaninang umaga.
FLOOD ALERT: As of 8:48 AM, EDSA Roxas F/O to Baclaran Church (8 inches). Passable to All types of vehicle. MMDA on site. #mmda
— Official MMDA (@MMDA) August 24, 2019
Batay sa inilabas na flood alert ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga binahang kalsada ang bahagi ng Chino Roces Avenue sa Makati; EDSA Roxas Boulevard flyover patungong Baclaran Church, Tramo Street sa Pasay, at Taft Avenue sa bahagi naman ng UN Avenue.
Dahil dito, ipinag-utos naman ng Philippine National Railways (PNR) ang maagang pag-hinto ng kanilang mga biyahe dahil sa malakas na pag-ulan na nagresulta sa 24 pulgada (inch) ng baha sa ilang mga lugar sa Maynila at Makati City.
Ayon kay PNR Spokesperson Joseline Geronimo, pansamantala nilang itinigil ang kanilang operasyon kaninang 7:00AM.
Samantala, ang nararanasang masamang panahon naman ay dulot ng habagat at Bagyong Ineng.