Isasara ang ilang kalsada sa Metro Manila dahil sa patuloy na road reblocking sa mga sumusunod na lugar:
-Southbound lane mula sa Bansalangin patungong North Avenue U-turn slot at sa Northbound lane pagkatapos ng P. Tuazon underpass sa EDSA.
-Southbound road malapit sa Market-Market sa C-5.
-Northbound lane at truck lane pagkatapos ng CP Garcia Street sa Katipunan avenue.
-Northbound lane mula sa T. Arguelles hanggang bayani sa G. Araneta avenue.
-Eastbound outer lane mula sa Salvia street bago dumating ng Belfast Road sa Quirino Highway.
-Eastbound pagkatapos ng Maharlika street, ikawalong lane sa Elliptical road.
-Northbound mula J. Pineda hanggang Marvex Drive, unang lane pagkatapos ng center island sa A. Bonifacio avenue, at;
-Southbound sa harap ng Palar Village sa Taguig City.
Sarado ang mga nabanggit na kalsada simula kahapon, Setyembre 20 hanggang sa Lunes, Setyembre 23.