Magsasagawa ng Road Reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantala munang isasara ang ilang mga kalsada upang simulan ang pagkukumpuni o pag-aayos ng mga nasirang kalsada na nagsimula na kaninang alas-11 ng gabi.
Sakop ng road reblocking ang:
EDSA Santolan Southbound sa San Juan City mula Connecticut St. patungong Rochester St.; EDSA Northbound sa Quezon City paglagpas ng EDSA Aurora Blvd. Tunnel hanggang dulo ng center island (fast lane); Aurora Blvd. patungong Kamuning Road; paglagpas ng Kamuning Road patungong Jac Liner Bus Station.
Gayundin sa C-5 Road parehong 2nd lane ng North at Southbound sa Makati City; Tandang Sora Ave. Quezon City mula Himalayan Road hanggang sa Visayas Avenue; Agham Road sa harap ng Punong Tanggapan ng Bureau of Fire (BFP) patungong Quezon Avenue; Batasan Road Filinvest 1 RD. hanggang sinagtala St.; Commonwealth Ave. sa Quezon City mula sa may Zuzuareggui St. hanggang sa tapat ng Diliman Preparatory School gayundin ang North at Southbound ng Balintawak Cloverleaf.
Muli namang ibabalik sa normal na operasyon ang nasabing mga kalsada sa Lunes, Hunyo a-13 sa ganap na alas-5 ng madaling araw.
Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.