Nananatiling bahagyang sarado ang 3 kalsada sa Norte bunsod pa rin ng idinulot na pinsala ng southwest monsoon o habagat.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sarado ang Abra-Kalinga road patungong Nagpaoayan sa Baay Licuan at Kalinga Abra Road sa Cordillera Administrative Region maging ang junction ng Banayoyo-Lidlidda –San Emilio Road sa Ilocos Region.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng inspeksyon ang Bureau of Maintenance sa mga nasirang kalsada doon.
By Ralph Obina