Isinara ng Quezon City government ang ilang kalsada sa kanilang lungsod bunsod ng ikinasang miting de avance ng serbisyo sa bayan party na partido ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na muling tumatakbo sa pagka-alkalde.
Nabatid na muling bumigat ang daloy ng trapiko kahapon matapos isara ang ilang bahagi ng 20th Avenue na tumagal alas-onse trenta kagabi.
Dahil dito, naapektuhan ang ilang kalsada sa District 3 gaya ng 20th ave., M.T Dioquino Street at General Lizardo.
Sa ngayon, balik na sa normal ang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.