Marami umanong kandidato ang may mali sa ipinasang Certificate Of Candidacy o COC ayon sa Commission on Elections O COMELEC.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang form na ipinapasa ng mga kandidato ay nada-download sa COMELEC website at kailangan nila itong i-print ng back-to-back.
Ngunit sa halip aniya ang ginawa ng mga kandidato ay pinag-hiwa-hiwalay ang print ng naturang form.
Dahil umano rito ay napapatagal ang kanilang pagproseso.
Sianbi pa ni Jimenez na nasa dalawa o tatlo ng kahalintulad na problema ang kanilang naobserbahan at malaking bilang umano ito kung ang pag-uusapan ay ang kabuuan ng kanilang sistema.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico