Anim na kandidato sa Barangay at SK elections sa lalawigan ng Cagayan ang nagsipag-atrasan na dahil sa pagkakabilang nila sa inilabas na Narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency
Ito’y ayon sa Tuao Police ay bunsod na rin umano ng paki-usap sa mga ito ni Cagayan Police Provincial Director S/Supt. Warren Gaspar Tolito
Gayunman, may isang kandidato umano sa nasabing bayan ang hindi na nagpapakita habang pinaaatras na rin nito ang halos 200 kandidato sa lalawigan na kabilang sa naturang listahan
Samantala sa Metro Manila, ipinagmalaki ng National Capital Region Police Office ang ikinasa nilang drug test challenge sa mga kandidato sa Barangay at SK elections
Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, tinatayang nasa mahigit 1,000 mula sa kabuuang 12,000 kandidato sa Metro Manila ang sumabak sa drug test