Tila hindi umano tumalab sa ilang kandidato sa nakalipas na midterm elections ang umano’y Duterte magic.
Kasunod na rin ito ng pagkatalo ng mga nasabing kandidato sa eleksyon.
Kabilang dito si dating assistant secretary Mocha Uson na first nominee ng AA Kasosyo Party List group na nasa mahigit 70 puwesto sa tally.
Hindi umano na transform ang limang milyong followers ni Uson para maiboto ang party list group nito.
Bagamat natalo sa eleksyon, nagpasalamat naman si Uson sa mga sumuporta sa kanilang party list at tuloy aniya ang laban, pagmamahal nila sa bayan at boses ng ordinaryong Pilipino.
Talo rin si Antonio Floirendo bilang kongresista ng Davao Del Norte na pambato ng Hugpong ng Pagbabago at pinataob ito ni Aldo Dujali.
Hindi rin pinalad bilang Bohol Governor si dating cabinet secretary Leoncio Jun Evasco na tinalo ni dating congressman Arthur Yap.
Bigo rin bilang mayor ng Cagayan De Oro ang dating campaign manager ni Pangulong
Duterte na si Pompee Laviña na pinataob ni dating congressman Oscar Moreno.