Nakita ng Senate Committee on Public Service na pinamunuan ni Senador Grace Poe na ilang kapabayaan ang sanhi ng bus accident na ikinasawi ng 14 na estudyante ng BestLink College.
Una rito ang kawalan ng sistema upang matukoy ang edad at kalidad ng bus na ginagamit sa mga field trip.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senador Grace Poe
Sinabi rin ni Poe na walang pamantayan kaugnay ng field trips na dapat sundin ng mga paaralan, tulad ng kung sino ang dapat na magbantay sa mga mag-aaral.
Dagdag pa ng senadora, walang investigative body na tumutukoy kung ano ang dapat gawin upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa public transportation.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Grace Poe
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno