Bumuhos ang libu-libong fans sa idinaos na “Doble Dekada Concert” ng bandang Aegis sa Araneta Coliseum kung saan namataang nakikisaya ang ilang Kapamilya stars.
Game na nakipag-showdown sa biritan sina Vice Ganda at Tawag ng Tanghalan o TNT Boys na kapwa kabilang sa line-up ng konsyerto.
Maliban sa kanila, kasama rin mga dumalo sina Karla Estrada, Anne Curtis, at Jericho Rosales na bibida sa teleseryeng “Halik” na hango sa kanta ng naturang banda.
Naghiyawan ang fans nang bumirit ang Aegis ng modern songs, bukod sa hits nila na pumatok sa loob ng dalawang dekada.
A post shared by Aegis Band (@aegisband.ph) on