Kinasuhan ni Kabayan Party List Representative Harry Roque ang ilang kapwa miyembro ng grupo.
Ito ayon kay Roque ay dahil sa pagpa plano ng ilang kapwa Kabayan members na mapatalsik siya sa partido at maging sa Kongreso.
Kabilang sa mga kinasuhan ni Roque si Ron Salo, second nominee ng Kabayan Joshua Sebastian, Victor Caguimbal, Rex Tacda, Pedro Parrocho, Anthony Avelino, Jennis Nidea, Cesar Roy, Adrian Tuazon, Tito Marshall Fajardo at Arnold Moralejo.
Sinabi ni Roque na nakipag sabwatan si Salo sa iba pang respondents para mapatalsik siya sa partido at bilang Kongresista base na rin aniya sa umanoy party resolution dahil sa sinasabing problema sa kaniyang pag uugali at mga pahayag.
Hindi umano nagustuhan ng party mates ni Roque ang mga salitang ginamit nito sa pagtatanong kay Ronnie Dayan sa naging relasyon kay Senador Leila de Lima sa isang hearing ng Kamara nuong November 2016.
By: Judith Larino