Nagsimula nang tumanggap ng mga pasyenteng apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang dagdag na quarantine facility.
Kabilang sa mga quarantine facilities na ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, ang PICC, Asean Convention Center sa Central Luzon at World Trade Center na gagamitin para sa mga overseas Filipino worker.
Halos 300 aniya ang bed capacity ng PICC, 150 sa Asean Convention Center at 502 sa World Trade Center.
Samantala, ipinabatid ni Vergeire na hindi natuloy ang pagbubukas ng New Clark City National Government Administration Center noong Martes dahil kailangan pang magsagawa ng ilan pang safety measures at inspection para masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at healthcare workers sa pasilidad.