Mas gugustuhin na lang umano ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na mag-retiro sa pulitika sa halip na tumakbo bilang senador sa 2019.
Ito ay matapos lumabas ang pangalan ni Fariñas sa listahan ni Senate President Koko Pimentel ng senatorial bets ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban para sa 2019.
Ayon kay Fariñas, nais niya na ilaan ang kanyang oras sa kanyang pamilya pagkatapos ng kanyang termino.
Samantala, sinabi naman ni Davao Representative Koko Nograles, isa sa mga kasama ni Fariñas sa listahan na masyado pang maaga para sabihin kung tatakbo ba siya o hindi sa pagka senador sa 2019.
Ayon kay Nograles, naka-focus siya ngayon sa trabaho niya bilang isang kongresista at hindi pa sumasagi sa kanyang isipan ang pagtakbo sa eleksyon.
Maliban kina Fariñas at Nograles, kasama rin sa listahan ng kandidato sa pagka-senador ng PDP-Laban sina Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, Bataan Representative Geraldine Roman at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.
—-