Nagkaharap na si Pangulong Rodrigo Duterte at Saudi Arabian King Abdulaziz Al Saud sa Riyadh kagabi.
Isang welcome ceremony ang isinagawa para sa Pangulo at kanyang delegasyon.
Kasama sa mga humarap sa Pangulo ay si Prince Faisal Bin Bandar Al Saud na siyang gobernador ng Riyadh Region.
Nilagdaan ng dalawang lider ang isang labor agreement na layong pagtibayin ang kooperasyon ng Pilipinas at Saudi sa pagproteksyon sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Lumagda rin si Pangulong Duterte at ang hari ng Saudi sa isang memorandum on political consultation para palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa international affairs.
Ngayong araw, nakatakdang humarap ang Pangulo sa mga negosyante ng Saudi Arabia na susundan naman ng pakikiharap nito sa Filipino community.
Matapos sa Saudi ay magtutungo naman ang Pangulo sa Bahrain at Qatar.
By Rianne Briones
Photo Credit: Saudi Press Agency