Iginiit ngayon ni Senador Bam Aquino na dapat maging bahagi sa bilateral talks sa China ang ilang Key Members ng Philippine Delegation sa the Hague, Netherlands.
Partikular na tinukoy ng mambabatas sina dating DFA Secretary Albert Del Rosario at Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Binigyang-diin ni aquino na malaki ang naitulong nina Del Rosario at Carpio upang maipanalo ang kaso ng Pilipinas sa China sa Territorial Dispute sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ay ginawa ni Aquino matapos alukin ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Fidel V. Ramos na maging Special Envoy sa Diplomatic Negotiations sa China.
By: Meann Tanbio