Kinansela na ng ilang lokal na pamahalaan ang pang-hapong klase sa mga paaralan ngayong araw bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado sa lalawigan ng Laguna, Muntinlupa at mga bayan ng Baras, Cainta, Morong, Taytay, Cardona at Teresa sa Rizal.
Habang mula pre-school hanggang high school lamang kanselado ang klase sa buong lalawigan ng Cavite gayundin sa mga bayan ng Angono at Antipolo City sa Rizal.
Bagama’t walang bagyong binabantayan ang PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR, thunderstorm naman ang siyang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.
By Jaymark Dagala