Unti-unti nang nagbubukas ang mga kompanya at negosyo sa Abu Dhabi, United Arab Emirates o UAE na nagbibigay sa mga Pinoy o Overseas Filipino Workers ng mga oportunidad sa trabaho.
Katunayan, ayon kay Labor Attaché Manuel Dimaano, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakatanggap sila ng 4,000 job order requests o manpower requests mula sa mga kompanya sa nasabing bansa.
Nabatid na binuksan na ng Abu Dhabi ang pintuan nito para sa mga Household Services Workers o HSWs at medical workers tulad ng mga nurses.