Boluntaryong inilabas ng ilang mga kongresista mula sa MAKABAYAN ang kopya ng kanilang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ito ay kasunod na rin ng paglalabas ng mga senador ng kopya ng summary ng kanilang SALN kung saan pinakamayaman pa rin sa mga senador si Senadora Cynthia Villar na may P3.8-bilyong total net worth.
Sa mga MAKABAYAN Congressmen, si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay may total net worth na P1.8-milyon, habang sina Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite at Rep. Eufemia Cullamat ay may P3.7-milyon at P35,000 na net worth.
Si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago naman ay may P104,400 total net worth.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na kopya ng summary ng 2019 SALN na inilalabas ang Mababang Kapulungan. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)