Ipinatitigil ng ilang mambabatas ang pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education sa mga paaralan sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, napag-alamang sa ilalim ng department order no.31 ng DEPED sakop nito ang pagtuturo ng CSE ang mga kindergarten.
Giit ng kinatawan ng DEPED na dumalo sa pagdinig, nakabase sa reproductive health law ang pagpapatupad ng nasabing kautusan at ang kahulugan aniya nito ay nakabatay mismo sa United Nation Educational Scientific and Cultural Organization.
Bagay naman na kinuwestiyon ni Congressman Benny Abante, aniya bakit kinakailangan sundin ang western ideology na kaniyang iginiit na unconstitutional o hindi aniya ito naaayon sa saligang batas. – Sa panulat ni Jeraline Doinog