Nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista kaugnay sa National ID System.
Ayon kay Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate, hindi isang daang porsyento na makatitiyak na ligtas ang mga datos na nakalagak sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Sinabi naman ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, na mas dapat tinutukan ang pangangailangan sa mga pangunahing serbisyo na ibinibigay sa tao at hindi umano iyon kinakailangan ng ID.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Laguna Rep. Sol Aragones, Chair of the House Population Committee, na mabibgyan ng ibayong proteksyon ang lahat impormasyon ng publiko.
Siniguro rin ng isa sa may akda ng panukala na si Deputy Speaker Raneo Abu na walang ibang layunin ang pagkakaroon ng national ID kundi para lamang mapadali ang mga transaksyon sa gobyerno.
—-