Kontra ang ilang kongresista na mapunta sa Universal Health Care (UHC) law ang kikitain ng gobyerno sa panukalang itaas ang singil na Motor Vehicles Users Charge (MUVC) o Road Users’ Tax.
Binigyang diin ni House Deputy Speaker for Finance Luis Raymund lray Villafuerte Jr. na may ibang maaaring pagkuhanan ng pondo ang pamahalaan para sa UHC law katulad ng ‘off budget’ mula sa PAGCOR at ‘savings’ mula sa ibang ahensya ng gobyerno.
Bukod dito, sinabi ni Villafuerte na malaki na rin ang kinikita ng Philhealth mula sa mga premium contributions pa lamang.
Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo, lumalabas na P144-B ang nakolekta na ng Philhealth sa premium contributions.
Sapat na aniya ang naturang halaga para bayaran ang hospitalization at primary care ng mga pasyente na layong tulungan ng UHC law.
Inihayag ni quimbo na mas mainam na ilagay na lamang ang 50% allocation ng MVUC sa road safety.