Balik South Korea na ang ilan sa mga Korean nationals sa Cebu City na nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng DWIZ kay Health Assistant Secretary Rosario Vergeire ngayong Sabado, sinabi nito na nasa 12 Koreano nalang ang nananatili sa hotel sa Cebu City para sa pagpapatuloy ng quarantine period matapos pabalikin sa South Korea ang 10 iba pa.
Matatandaang unang nakapagtala ng 26 Korean national na persons under investigations (PUIs) sa COVID-19 ang Cebu City at 4 dito ang kasalukuyang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng otoridad.
Dahil dito, ipinagutos na rin ni Cebu Governor Gwen Garcia ang pagsasailalim sa 14-day quarantine period ng lahat ng pasaherong manggagaling sa mga COVID-19 affected areas sa South Korea kabilang ang Gyeongsang province, Daegu City, at Cheongdo County.