Sarado simula kahapon Enero 21 hanggang Enero 31 ang ilang korte sa bansa bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay sa inilabas na circular ng Office of the Court Administrator, sarado ang mga sumusunod na korte sa nasabing petsa.
Ito ay sa mga lugar ng;
- Apayao sa Cordillera Administrative Region
- Puerto Princesa City sa Region 4-B
- Masbate sa Region 5
- Siquijor sa Region 7
- Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9
- Lanao Del Norte sa Region 10
- Davao De Oro at Davao Oriental sa Region 11
- North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12
- Surigao Del Norte Sa Caraga Region of Mindanao
- at Maguindanao at Basilan sa BARMM
—sa panulat ni Abby Malanday