Sinalanta din ng Typhoon Karding ang ilang korte sa Nueva Ecija partikular na sa Cabanatuan City.
Batay sa partial report ng Korte Suprema, kailangan ng agarang re-pair o agad na maisa-ayos ang kanilang tanggapan sa nabanggit na lugar dahil sa pinsalang iniwan ng nagdaang bagyo.
Samantala, wala namang matinding pinsalang idinulot si Typhoon Karding sa mga hukuman pero pinamamadali na ang pagsasa-ayos sa mga nasirang tanggapan ng korte upang hindi maantala ang mga operasyon nito.