Nagulat ang ilang kritiko ng Martial Law at mga miyembro ng oposisyon dahil kabilang sila sa nakatanggap ng imbitasyon para sa gaganaping kaarawan.
Kabilang dito sina Albay Rep. Edcel Lagman at Akbayan Rep. Tom Villarin.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi maaring isalarawan sa salita ang kakapalan ng mukha ng pamilya Marcos.
Ang malaking pagdiriwang aniya na ilalatag para sa kaarawan ng dating diktador ay tila paglalagay pa ng asin sa sugat ng mga biktima ng batas militar at pang iinsulto sa sambayanang Pilipino.
Dapat anilang tutukan ng Pamilya Marcos ay ang buong pagsuko ng buong pag aari ng Pamilya Marcos na ninakaw sa kaban ng bayan sa halip na intindihin ang pag – party sa Libingan Ng Mga Bayani.
Sinabi naman ni Congressman Villarin na halos masuka sya nang mahawakan at mabasa ang imbitasyon sa kaarawan ng dating Pangulo.