Nagsimula na ang ilang kumpaniya na magsumite ng kanilang aplikasyon para sa flexi-work at 4-day work week arrangement.
Ito ang kinumpirma ni Labor Asst. Sec. Dominique Tutay sa gitna ng banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Tutay maraming manggagawa ang maaapektuhan ng mga work arrangement na nais ipatupad ng mga kumpanya dahil bukod sa pagbabawas ng oras ng pasok ng mga manggagawa mayroon din umanong ilang establisyemento ang pansamantalang magsasara.
Ani Tutay karamihan sa mga kumpanya na ito ay nasa rehiyon kung saan malaki ang naging epekto ng pagtumal ng turista dahil sa COVID-19.
Ngunit nilinaw ni Tutay na layon ng mga ipatutupad na work arrangements na ito ay para maiwasan ang pagtatanggal ng mga kumpanya ng kanilang empleyado.