Muling magpapatupad ng taas-presyo ang ilang kumpanya ng langis bukas, kasunod ng ikalawang linggong rollback.
Sa magkahiwalay ng abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Seaoil Philippines Inc., magpapatupad sila ng 45 centavos na taas-presyo sa gasolina, 1 pesos at 70 centavos sa diesel at 45 centavos sa kerosene.
Magpapatupad naman ng parehong taas-presyo ang Cleanfuel, pero hindi epektibo sa kerosene.
Epektibo ang adjustment ng mga kumpanya ng langis alas-sais ng umaga bukas, maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro y uno na magpapatupad.
Samantala, wala pang announcement ang iba pang kumpanya ng langis.