Nag-abiso ang ilang kumpanya ng langis kaugnay sa ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula Bukas, Mayo 31.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Chevron Philippines Inc. o Caltex at Seaoil Philippines Inc. Ipatutupad nito ang P1.70 na bawas-singil sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa P2.45 ang umento sa kada litro ng kerosene habang P1.20 ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel.
Ipatutupad rin ng Cleanfuel at Petro Gazz ang nasabing price adjustment maliban sa kerosene na wala sila.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), umabot na sa P25.55 ang net increase sa year-to-date adjustments sa kada litro ng gasolina, P29.10 sa kada litro ng diesel, at P25.20 naman sa kada litro ng kerosene.