Nakatakdang magpatupad ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Shell sa darating na Martes, June 11.
Ayon sa Shell, aabot sa dalawang-piso at apatnaput limang sentimo ang matatapyas sa kada litro ng kanilang gasolina habang dalawang-piso at pitumpong sentimo naman ang mababawas sa diesel at dalawang piso at animnapung sentimo naman sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan naman na pagsapit ng Martes ng umaga, susunod rin na magpapatupad ng rollback ang iba pang oil companies.
Una nang nagtapyas sa kada litro ng kanilang produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum Philippines, ala-6:00 ng gabi kahapon, June 8.
Resulta ang ipinatupad na rolbak sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.