Nakiisa ang ilang manufacturers ng noche buena products sa panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) na ‘wag mag-taas ng presyo ng kanilang mga produkto sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nagpapasalamat sila sa pagsang-ayon ng ilang kumpanya sa kanilang panawagan.
Mababatid ani Lopez, kabilang sa mga tumugon sa kanilang panawagan ay ang mga kumpanyang Century Foods, CDO, Virginia Food na kilalang gumagawa ng mga hamon.
Bukod pa rito, kabilang din ang UFC at Ladys’ Choice sa mga kumpanyang nad-desisyong panatilihin ang presyo ng kanilang mga produkto.
Sa kabila nito, ani Secretary Lopez, may ilang mga kumpanya ang nanawagan ng pagpayag ng ahensya sa pagtaas ng kanilang produkto mula isa hanggang dalawang porsyento.
Sa huli, iginiit ni Lopez, na dapat ma-justify ng mga kumpanyang ito kung bakit nais nilang i-adjust ang SRP o suggested retail price ng kanilang mga produkto