KINILALA at binigyang-pugay ng Okada Elite Eagles Club ang mga “Kuya” at “Ate” ng Fraternal Order of Eagles sa 1st Gawad Agila Awards sa lungsod ng Pasay nitong Sabado, Abril 29, 2023.
Ang Gawad Agila ay pinangunahan ni Okada Elite Eagles Club President Jenzen “ZenTur” Turica.
Kabilang sa mga pinarangalan sina Sen. Imee Marcos bilang Most Powerful Influential In Public Service and Good Governance at Senator Cynthia Villar bilang Most Influential Women of the Year.
Ginawaran din ng Lifetime Achievement Award in Public Service si Deputy Speaker at Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo habang Most Outstanding Men In Public Service and Good Governance naman si Department of Education Undersecretary Epimaco Densing III.
Itinanghal din bilang Most Powerful and Influential Man of the Year si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy habang Remarkable Woman of Inspiration and Outstanding Business Women of the Year naman ang akres at businesswoman na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ang aktor na si Philip Salvador ay itinanghal bilang Most Excellent Celebrity Humanitarian Service habang si Sunshine Dulay naman ay Woman of Inspiration and Outstanding Woman in Humanitarian Service.
Maging si ASEAN Gold Medalist, Sports Anchor Paolo Miguel Angeles ay hinirang din bilang Most Outstanding Sports Mentor of the Year.
Sa huli, nagpasalamat si Turica sa mga Kuya at Ate at nangako na mas pagbubutihin pa ang pagbibigay pagkilala sa mga miyembro nito.
Ang Fraternal Order of Eagles ay isang malaking socio-civic organization na nagbibigay kalinga sa mamamayan na nangangailangan at nagbibigay inspirasyon sa mamayang Pilipino.
Sinabi ni Turica na ginawa nila ang Gawad Agila upang kilalanin ang mga miyembro ng Agila na natatangi sa kanilang public service, pamayanan, negosyo, at pagbibigay inspirasyon.
Dagdag pa ni Turica, magpapatuloy ang Gawad Agila upang maging inspirasyon sa mas marami pang mga Kuya at Ate para mas dumami pa ang mabuting tao na magnanais tumulong.